Wednesday, March 18, 2015

How To Deal With Negative People and Dream Stealers


May mga kakilala ka ba na nagdi-discourage sa’yo sa business mo?
Yung mga taong negative, pinakitaan mo ng magandang opportunity pero hindi sang-ayon at kontra pa sayo?


Yung mga nagsasabi na HINDI maganda yang idea na yan o
 kaya naman nagsasabi sayo na hindi mo kaya yan!
Ang tawag sa mga taong ‘to ay mga “Dream Stealers”.
Ako ang tawag ko sa kanila ay EPAL. =)
Napaka daming Dream Stealers sa paligid natin.

Sila yung mga tao na kahit hindi mo tinatanong ng opinyon ay may opinyon padin. (EPAL talaga)
Ang badtrip pa, minsan yung mga opinyon nila ay palaging negative at madalas nakaka apekto sa belief mo sa sarili mo.
Malalaman mong dream stealer ang isang tao kapag ganito yung mga sasabihin nila sa’yo…

  • “Naku sila lang yumayaman dyan”
  • “Mahirap yan”
  • “Nasubukan na yan ng kilala ko, mahirap yan”
  • “Magagaling lang ang yumayaman dyan”
  • “Kaylangan dyan madiskarte”
  • “Una-una lang yan”
  • “Ikaw yayaman? Sus! Mangarap ka!”

Ang mga Dream Stealers ay pwedeng maging kapamilya o kakilala natin…
Kamag-anak, kaibigan, karelasyon, co-workers, etc.
Meroong dalawang tipo ng dream stealers. (Hanep di ba?)

1) The Unintentional Dream Stealer:
Eto yung mga tao na nagdi-discourage at nagbibigay ng negative opinions sa mga taong malapit sa kanila pero hindi sila aware na nakaka-discourage na pala sila ng kapwa nila.
Yung mga sinasabi nila, hindi nila alam na negative pala ang mga yun.
Wala silang intention na masama at hindi nila sinasadya na makapag discourage ng tao.
Ang madalas na dahilan kung bakit sila NEGATIVE ay dahil concern lang sila sa’yo. 

Yung isang tipo naman ay tinatawag na…
2) The Intentional Dream StealerEto yung mga tunay na epal!
Malaki ang problema ng mga taong ‘to.
Sila yung mga tipo ng tao na lahat ay gagawin nila para lang makapang discourage ng ibang tao “intentionally”.
Ayaw nila na makita kang maging successful kaya ka nila sasabihan ng kung ano-anong negatibong bagay para lang ma-discourage ka.
Kadalasan ang pakay nila, ay makapang-discourage ng tao para di makagawa ng aksyon para ka maging successfull.
Importante na maging aware tayo kung sino ba ang mga dream stealers o epalsa buhay natin.
Kung sa tingin mo na kaya mong maging successful sa isang career or kahit saan pa man, ang pakinggan mo lang ay ang sarili mo.
Pakingan mo din yung mga taong nakarating na sa gusto mong puntahan at yung mga taong susuporta sa’yo at gusto kang tulungan.
Maniwala ka na kaya mong maabot lahat ng pangarap mo.

Maniwala ka na kaya mong makuha ang lahat ng gustuhin mo dahil ikaw ay may infinite potentials.
Lahat tayo ay may mga Dream Stealers sa buhay natin.
Once na maging aware ka na kung sino-sino sila, pwede mong ma-block yung mga negative opinions na binibigay nila.
How do you block the negative opinions of dream stealers?
Simple lang. Balewalain mo sila at wag mo silang pakingan!
Live an Abundant Life,
Have a Great Day!

PS - Pag may super negative talaga at naninira pa,
… ang tawag dun ay TAE (Taong Ayaw sa mga Entrepreneurs :D)
Anong gagawin mo pag may kakilala kang ganito?
Ano bang ginagawa pag may tae sa kalsada?
Eh ‘di iwasan. ;)

Iwasan mo ang mga dream stealers and take control of your life now.

May natutunan ka ba sa post na 'to? Click LIKE and post your comments below!

Your Friend to Success,

Cha Montero